Cameroon

Immaculate Heart of Mary College
Better Living Subdivision, Paranaque City

Histocomics

    • Egypt
    • Greece
    • Rome

Marc Hubert Sota
Name

III-Jerome
Yr./Sec.

Sr. Edgar Sarmiento
Teacher

9/26/08
Date

Panimula:

Histokomiks, isa sa mga proyekto ni Sir Edgar sa second quarter. Ang layunin ay makagawa ng isang komiks ukol sa mga itinurong sibilisasyon. Ang Ehipto, Gresya at ang Roma. Bago magsimula gumawa ng komiks ay kailangan muna magpasa ng script sa bawat sibilisasyon, ang iba’t-ibang script ay may iba’t-ibang deadline para ipasa. Pagkatapos magpasa ng mga script ay gagawa na ng komiks. Ang bawat komiks ay dapat ilalagay sa isang malaking bond paper, may margin na isa’t kalahati ang haba, at dapat pentel pen ang gamit sa paggawa ng border. Dapat may kulay ang komiks at sa isang malaking papel ay may maximum na sampung eksena. Ang sumobra na mga eksena ay ilalagay sa ibang papel.

Ang Ehipto ang unang ipapasa na script at komiks. Ang Ehipto ay matatagpuan sa Hilagang aprika malapit sa Mediterranean Sea. Ang kanyang sibilisasyon ang umusbong sa isang ilog at ang pangalan nito ay ang ilog Nile. Dito nagsimula ang unang sibilisasyon ng Ehipto, ang mga Nomes ang unang nanirahan malapit sa ilog Nile. Ang Ehipto ay mayaman sa kultura, dito ipinatayo ang unang Pyramid, mga ritual para sa patay na tinatawag na Mummification. Meron silang Polyteismo na paniniwala. Naniniwala sila sa mga Diyos na sina Osiris, Toth, Ra, Khum, Anubis, at ang mga Diyosa na sina Isis, Hathor, at iba pa.

Ang Gresya, ang pangalawang ipapasa na script at komiks. Ang Gresya na nasa Timog silangan Europa, dito nagsimula ang isa sa mga pinakamalakas na sibilisasyon sa buong kasaysayan. Umusbong sa Aegean Sea, dito nanirahan ang mga Minoans, na may palasyong pangalang Knosses kung saan pinaniwalaan na may nagpoprotekta na Minotaur. Dito din naganap ang Hellenic at Hellenistic Period. Pimasok din ito sa Dark age. At ito’y natuluyang bumagsak noong sinakop ito...